Tuesday, January 20, 2009

Liham ni Maria :p

Ang Storya ni Maria!!

Registered Nurse si Maria sa States. Kasama niya ang kanyang Ina na
nagpapagamotdin doon. Namatay ang Ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang Ina na mag-isa. Pagdating ng kabaong napansin ng mga kapamilya niya na dikit na dikit ang mukha ng kanyang Ina sa salamin.

Nagkomento tuloy ang isang anak, ay naku! Tingnan mo yan hindi sila
marunong mag-ayos ng bangkay sa America.

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May
sulat sa dibdib ng Ina. Kinuha nila ito at binasa. ang nilalaman ng liham na mula kay Maria.


Mahal kong Tatay at mga kapatid,

Pasensiya na kayo at hindi ko nasamahan ang Nanay sa pag-uwi riyan
sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000. na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
Anyway, ipinadala ko kasama ni Nanay ang sumusunod:

Nasa likod ni Nanay ang dalawangput apat na karne norte. Ang Adidas
nasuot ni Nanay ay para kay Tatay. Ang limang pares na de-goma ay nasa loob ng dalawang Jansport na backpacks na inunan ni Nanay, tig-iisa kayo.

Ang iba`t ibang klaseng kendi at tsokolate ay nasa puwitan ni
Nanay. Bahala na kayong magparte-parte. Sana`y hindi natunaw ang mga ito.

Ang Pokemon stuffed toy na yapus-yapos ni Nanay ay para sa bunso
ni Ate, gift ko sa birthday ng bata.
Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ang mga
pictures ni Inay. Japanese version and Pokemom trading cards at
stickers.

Suot ni Nanay yang sa mong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang
Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni Nanay ang anim na pantyhose at tatlong warmer para sa
mga dalaga kong pamangkin; isuot ninyo iyon sa party.

May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni Nanay. Para sa inyo,
Itay , Kuya Dikong, Tiyo Romy. Bigyan na rin ninyo ng tig-iisa yung mga
pamangkin ko at iyong isa ay para kay Pareng Tulome.

Ang tig-dalawang pares na Nike wristbank at knee caps na
suot-suot din ni Nanay ay para sa mga anak mo Diko na nagbabasketball.

Tig-dadalawang ream ng Marlboro green at Winston lights ang nasa
pagitan ng mga hita ni Nanay.

Ang apat na Jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing
liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aquafresh ang
nakasiksik sa kilikili ni Nanay, hati-hati kayo, huwag mag-agawan.

Isa dosenang Wonderbra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot
din ni Nanay. Alam kong inaasam-asam ninyo iyan, Tiya.

Ang Rolex na bilin-bilin ninyo Tatay, suot-suot din ni Nanay.
kunin mo na agad, Tay.

Ang hikaw, sinsing at kuwintas (na may nakakabit na anim na
nailcutters) na gustong gusto ni Diche, ay suot-suot din ni Nanay.
Kunin mo na rin agad, Diche.

Isang Rayban Ladys sunglasses na pa-birhtday ko kay Ninang Berta,
hindi ko na pinasuot kay Nanay. Isiniksik ko na sa may bandang ulunan ni Nanay. Nasa pink plastic na maliit.

Mga Channel at Champion na medias, suot-suot din ni Nanay,
tig-iisa kayo maga pamangkin ko.

Mga Pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins
at mga Scotchbright na may foam ay natatakpan ng mga puting bathtowels. Yun bale ang pinagkutson ko sa kabaong ni Nanay. Marami-rami rin yun!
Parte-parte rin kayo.

Marami pa akong ipinagsik-sik kung saas-saang parte gaya ng cafe,
coffee, creamer, ilang Vienna sausage na de lata, Barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoons and forks, paper at Styrofoam plates, perfume, cologne, ballpens, stationaries, envelopes, bar soaps, matchbox toys, used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock tools gaya ng screw driver, plies, log nose, at iba pa na hindi ko na na-ittemize dahil nagmamadali ako.

Marami pa sana akong ipaglalagay, kaya lang, baka mag-excess at si
Nanay pa ang maiwan.

Basta, parte-parte kayo, Tatay, Kuya, Ate, Diche. Para sa inyong
lahat ito.
Bahala na kayo kay Nanay. Paminmisahan ko na lang siya rito.
Balitaan na lang ninyo ako, pagkatapos na libing. Paki-double-check ng listahan kung walang nawawala sa mga ipinadala ko.





Nagmamahal,


Maria


P. S.

Paki-bihisan ninyo agad si Nanay.

0 comments: